Mga Kwento ni Lola Patola presents
#Fitness Para Sumarap sa Thirst Trap?
By Vince Andrew Ocampo
“Kahit ‘di kita mahigit diyan sa boyfriend mo, konting oras tumatawag ka sa number ko…” Sige lang, apo! Dagdagan mo pa ng kagat labi at mirror shot with matching topless na “walang hingahan” pose. Hangga’t hindi nakaka-100 plus ang heart sa IG story, bawal tumigil sa pagpapasarap!
Pero bago ‘yan, hayaan niyo muna ulit magpakilala ang hamberwan thirst trapper ng UPM simula pa ng panahon ng kopong-kopong, charez! Hi, hello, dalaygon, mga apo at nakshie kong daga! Narito na ulit ang lola niyong walang palalampasin; anumang chismis sa UPM, ating tutugisin! Ako ang peyborit lola ng UPM — it’s me, the one and only, Lola Patola!
Da who ang mashonda rhimes na tatlong buwan nawala para magparasarap…? Edi akiz! Medyo pumapait na kasi ang divang itwoah kaya malamang kailangan magkaasim ulit, CHENESSS!!!! Sa attempt ko magpasarap para sa mga thirst trap, hindi lang weights ang na-gain ko — pati inis, umapaw! Paano ba naman kasi, na-press release sa akin na “Fitness is the new rich!” na raw ngayon? Sino ang nagdesisyon niyan nang ma-face the wall ko!
Oh disclaimer ha, hindi nanlalait ang lola niyo, ‘wag pangunahan! Tara at himayin na natin ang chika nang ma-award giving body ko ang nagpauso ng “not giving” na trend na ‘yan!
Hindi Ma-Reach na Fitness for the Rich
Ayan na nga, mga apo ko sa biceps! Napansin niyo bang ngayon, kung hindi ka na nagpu-push-pull-legs sa mga sosyal na gym, parang hindi na legit ang #fitness fantasy mo? May mga cheezmiz pa na ‘yung mga bakal gym natin sa gedli, para na lang daw sa mga taga-kanto na poorita avila. Sabi pa ng iba, parang breeding ground daw ito ng mga target consumer ng deodorant companies — bumibirit daw ang Smellanie Marquez! Meganon? Kapag bago ang machines at sosyal ang amoy, #fitness at #goals ang hashtag. Pero kapag puro pawis at kalawang, #konstru at #sinigangmix agad? Aba’y impernes naman!
Eto pa, nag ge-general assembly rin daw ang mga evening joggers sa National Estetik Backdrop for Fitcheck of the Country A.K.A BGC (Burgis Gym Club, charet!) na ang jogging path, parang pinahiran ng niacinamide na kulay white (hUeY!). Ang sosyal divaynch, parang marathon ng mga artista. Pero paano naman ang mga #fitnessdiva natin na nakatira sa underdeveloped streets na lugi sa urban planning? Jogging ka lang nang slight — mama, a snatcher behind YOU! Kasi naman, sa laki ng Metro Manila, ang mga jogging spots naka-cater lang sa may budget at oras — ’di ranas ng mga tambay na OT queens sa trabaho.
Syempre, kapag nakiki-jog ka na at sinubukan mag-gym, may bonus advice pa si coach-Coachan (a.k.a. TikTok influencers na usually based on myth ang nutritionist): “‘Eto, mag-supplements ka para ‘di sayang effort mo!” Kaya boom! Required na ang creatine, whey protein, at kung ano pang pre-workout na patok sa TikTok Shop na kasing presyo ng ulam mo sa isang linggo! MAHARLIKA! Paano kung hindi mo kayang mag-chicken breast at salmon araw-araw? Edi mang-eestafa mala-Destiny Rose na lang? (Awright, so ganyan po ba dapat ang boses ng nagtatanong meym?). Napakalupit talaga ng pressure ng lipunan; walang consideration na iba-iba tayo ng katawan, metabolism, lifestyle at socioeconomic status. Kaya anong nangyayari sa mga hindi keri? Edi ayun, Afraidy Aguilar sumubok!
Fitness-tetik Check!
Pero, paano nga ba nagsimula ang ganireng exclusive #FitnessCulture sa atin, apo? Aba, isa lang ‘yan sa mga subtle effects ng mga #chudai kweens ng mga bansang kolonyal na trip mag ‘Adore me, hold me, and explore me/Mark your territory’ sa bansa natin. Kaya sa social media, ang mga fitness influencer na binibigyan ng pansin ay puro mga may porselanang kutis, sponsored outfits, at accessories na pang-Kardashian levels!
Ngayon, nagiging atake na for social climbing ang #fitness — ’yung hindi na para sa tunay na kalusugan, kundi para na lang sa “image” ng pagiging fit. Kumbaga, memasabi lang sa mundo na “I can afford and have the time to be healthy.” Kaya itong mga baklitang nakshie ko, mas concerned pa sa aesthetic goals kesa sa health goals. Nako! Parang it’s #FakeshitGoals kayo doon banda, mga apo!
Kung aaminin, talagang parang isang secret club na ang fitness culture sa bansa — may konsepto ng eviction at exclusion sa mga hawsmeyt na maralita! Eh kung PBB House na lang din naman ang fitness culture rito sa Pinas, aba, ito naman ang say ng Lola nyo: Koyahh, two points sa nag-imbento ng “Bakal Gyms = Inferior” mentality, kung saan required ang drifit get-up kapag mag-eensayo at pang-supplement na Brendon Labrador ang atake. Force eviction kayo sa’kin, mga apo! Nakakalungkot na tuluyan nang naging privilege ang maging malusog ngayon, imbes na dapat accessible for all.
Posible Pa Bang Sumarap Ako, Lola?
Apo, simulan muna nating alisin sa sarili ang deep-rooted stigma na nanggaling sa ating colonial mentality! Kahit na ganito ang lagay ng fitness sa Pilipinas, a reminder na lang from Lola P na former gymrat-marie noong kabataan niya: hindi mo kailangan ng branded na leggings, mamahaling supplements, o Delimondo tuna para maging malusog — pwede na ‘yung mga equipment na maayos at abot-kamay. Kahit nga exercise sa bahay, basketball sa kalye, o paglalakad kung saan man ay keri na. Kasi at the end of the day, ang goal mo ngayon ay to prove that “Fitness is Wellness” and not “Fitness is for the Wealthiest.” Oh jivah?!
Kung tatanungin niyo ako, “Lola P, eh ano pong dapat gawin?” Ang sagot ko diyan, oras na para magpaka-pranella ang jubelitang gobyerno na ‘to sa declining healthcare system ng bansa. Wish din ni lola ang pagresolba sa ekonomiya nang mag-Muriah Carrey na ang mga bilihin at maiwasan na ang maging purita ladesma sa bansang ‘to. Ugain ang mga chakang nasa posisyon na it’s about d*mn time na magpagawa ng mga gyms, courts, daanang ligtas, impormasyong aksesable para sa #fitness ng lahat!
Ano nga ba kasi ang tunay na goal? Maging healthy o maging masarap? Magflex ng muscles o ng wealth? Hindi talkshit to apo, pero mas sasarap ka kung healthy ka; kaya dapat maging malusog para sa self — hindi para sa feed ng iba! So eto na nga mga apo, bo-borlog na uli ang Lola niyo, kaya hintayin niyo ang susunod kong paghuhukom sa mundong-ibabaw. Muli, ako ang lola ng lahat, ang lola ng bayan na lahat ng chismis ay tutugisin at kakaratin, ako ang favorite lola ng UPM — ako si… Lola Patolaaaughhhh!