Lola P, ano ba ang tawag sa ‘di ko nga syota pero ka-hookup ko naman sa gabi?
ni Jhuztine Josh C. De Jesus
It’s Feb-ibig szn na pala! Nalalapit na naman ang araw ng mga puso, kaya naman for syur, ang mga apo at nakshie ko ay in game na naman sa larong mahal-mahalan (shena owl!). Hays, na-miss ko tuloy ang Lolo P niyo *play Endless Love by Diana Ross & Lionel Richie*, kaya naman mamayang alas-onse ng gabi, sa dating tagpuan, sa ilalim ng puno ng niyog kung saan nakaukit ang mga pangalan namin, magkikita kami’t magtatanan na (Kimmy! It’s giving peak dramarama sa hapon ba?!).
Hi, hello, mabuhay, dalaygon, mga apo at nakshie! Narito na ulit ang lola niyong walang palalampasin; anumang chismis sa UPM, ating tutugisin! Ako ang peyborit lola ng UPM — it’s me, the one and only Lola Patolaaa!
For this episode, change setting muna tayo from da usual chismis ko inside the campus. Ilalaan natin ang chikahan today sa mga apo kong walang ka-date at sasabak lang sa giyera ni Mareng Janine Berdin (“Ano ba ang tawag sa ‘di ko nga syota pero kayakap ko naman sa gabi?”) — Oh baka may magtanong dyan na DJ Loonyo supporterz, gew doon sa far away, naiinis! Kemeh! May supporters ba siya? Char! Lola P, ano po ang laro ni Janine Berdin na sinasabi niyo? Situationship po ba? — Naur, mga apo! It’s hookup culture!
Himayin muna natin. Hookup — kung papadaliin natin, ito yung pakikipag ‘keme’ sa ‘di mo naman jowa. Naging hookup culture siya sa Pilipinas dahil na-normalize ‘yung eksenamarie na ‘to, parang #NewNormal lang ang atake, ganon! At ito ay fact! Dahil sabi sa iilang pag-aaral, karamihan sa mga nakshie at apo kong TINDERella, Ariana GRINDR, Optimus Prime versus BUMBLEbee ay ganito na ang purpose ng dating apps para sa kanila. You know what mga apo, ‘yung transition na makikita natin sa phenomenon na ‘to is very rampant pero unrealized. From the so conservative beliefs ng mga Pinoy na dapat may kasal muna transforming to one swipe sa mga dating app at may ‘casual keme’ ka na — instant noodles lang ang peg, oh jievah!
Mga apo, pwede nating ma-explain ang penomenang hookup culture sa tulong ni pareng Jose Lacson of UP College of Mass Communication sa kanyang pag-aaral na ‘Filipino Communicative Behavior.’ Pwede nating i-take ang anggulong ‘Convenience Approach to Living’ na isa sa mga concept na hinaylayt niya roon. Sa approach na ‘to, sinasabing ang isa sa pinaka-importante para sa mga Pilipino ay ang ‘comfort’ at ‘convenience’ kaya naman mahilig tayo sa shortcuts — kung masa-sight niyo talamak ang mga fixers dito, oh jievah?! Isa kasi ‘yon sa manifestashunz. Sa eksenang hookup culture namarn, karamihan ng mga apo at nakshie ko rito ay iniiwasan ang ‘commitment’ maybe dahil sa previous trauma or ayaw pa muna talagang mag-jowa. Pero syempre, kahit na umiiwas sila sa mga romantic relational commitment, may desire pa rin talaga sa physical intimacy kaya boogsh! Forda settle na sa ganoong set-up: very convenient and comfortable, isang gabing kasiyahan ika nga nila!
Oh warning lang sa mga apo at nakshie ko ha, diz eksenamarie is not for the faint of hearts ha. ‘Di ka si Lydia de Vega para maghabol ng kung ano man other than that ‘casual keme.’ Basta ha, always practice safe sex! Hindi na nga natin na-eexercise nang tama and safe ang freedom of speech eh, pati ba naman safe sex ‘di pa ma-eexercise?! Kimmy! Remember na no condom, no bombom! Hirap kasi here sa Pilipinas, may sense of hiya pa rin tayo sa mga chikahan about comprehensive sex education (Maybe, rooted ‘to sa pagiging Catholic country natin na pag-usapang sex, eh, bastos agad? Eme! Hindi ako maglalaro rito ng Persona Non Grata for chudaes vidyuh!). At ito pa ha, sa jumujusbong na kulturang ‘to, dapat, mga apo at nakshie, andon pa rin ang mutual consent. Sabi nga ni Lola Flora: ‘Wag mahihiyang magtanong.
Chika naman ng mga nag-rarant kong mga apo, isang problematic shetwasyon sa hookup culture, especially sa loob ng LGBTQIA+ community ay ang internalized homophobia. Ito ‘yung sense of othering ng kapwa LGBTQIA+ sa kanilang mga kapatid. Karamihan daw kasi sa mga tao ngayon sa hookup culture, kapag ‘femme’ or flamboyant ka, wala kang lugar. Gets naman ng Lola P niyo na those are just your ‘preferences,’ pero no need to be bastos in explaining that. Akala niyo ba hindi ko nakikita yang lumalaganap na namang ‘pass sa halata’ meme? Hay nako, kukurutin ko ‘yang mga singit nyo! Pwedeng maging reason kasi ito for almost everyone to not express themselves truthfully. Kaya naman sana kung ‘di pa talaga kaya maipasa ang SOGIE Bill, dahil inuuna ang kung anong dance craze ni Ryzza Mae na maipasa, eh at least maging part ng curriculum ng bawat eskwelahan ang gender sensitivity at SOGIESC lessons!
Aside from that educational chika mga apo at nakshie, hookup culture is also a call for all of us to see the reality behind sex work. May mga nagsasabing “sex work is real work” ‘coz mas nagiging open na rito ang society, pero meron ding g na g sa pangsi-stereotype dito as something na pang-mababang uri. Pero kung titingnan natin ang puno’t dulo ng lahat, poverty is still the reason! Dahil mga pudrakelz ng pamilya ang dominating force ngayon azza patriarchal society, naging commodified na ang katawan ng mga bulnerableng sektor ng lipunan tulad ng women at iba pang queer fersonz. Nakikita hindi bilang tao, kundi bilang object of sexual desire na langz sila. Kahit tanungin mo pa ang mga lolo ng kumare ng lola ko sa talampakan na sina Marx at Engels. Kemeh lang!
Hayzt, only if napagtutuunan ng pansin ang unemployment ng pamilyang Mar…Maraming government officials (Oh kala niyo kung sino ‘no? Emz not emz), edi sana ay perpuk at may ibang trabaho ang ating mga kababayan without using their bodies. Hindi natin basta na lang pwedeng sisihin ang mga sex worker kung this is their means for survival. Sabi nga ng kabagang ko na si Charles Darwin, “The world is a platform for survival of the fittest, you have to do everything to survive.” Kaya naman if you are feeling down and everything is sinking, just group yourselves into four, eme! (‘di niya sinabi ‘yang latter).
Nyiweys, mag-iiskengkur na ang lola niyo, alam niyo naman kailangan alagaan ang balat para mas lalong mainlab sa ’kin si Lolo P niyo! Kaya hanggang dito na lang muna akez. Muli, ako ang lola niyong walang palalampasin; anumang chismis sa UPM, ating tutugisin, ako ang favorite lola ng UPM — ako si…Lola Patolaaa at maligayang araw ng mga pusowah! Mwah!