Mga Kwento ni Lola: Me vs Si Self

Tweet Mo, Linis Mo (Twitter Edishown)

The Manila Collegian
6 min readJul 19, 2024

ni Ate Thin

Ang roman empire [roman empire?!] ko talaga lately ay ‘yong kanta ni pareng Gloc-9 na Walang Natira, na parang ganito: “Napakaraming away ng lider-estudyante sa atin, pero bakit tila walang sumitaaaaah?” — ay shet! Parang naiba ‘yung lyrics, anez?!

Hi, hello, mabuhay, dalaygon, mga apo at nakshie! Narito na ulit ang lola niyong walang palalampasin; anumang chismis sa UPM, ating tutugisin! Ako ang favorite lola ng UPM — it’s me, the one and only Lola Patolaaa!

For chuday’s vidyew, isa na namang cheezemiz (with facts!) ang ating agenda garcia. Oh alam ko ‘yan ang cravings niyo after these hell academic year(s)! Ang cheezemiz na ‘yan ay patungkol sa mga nakshie kong lider-estudyante at mga current & former tibakshie na nabasa kong nag-aaward giving body sa Twitter about sa mga internal at past na isyu ng kanilang kolektib!

Ayon sa aking CCTV (Chismis Checker with Truth and Verification), itong org na itago natin sa pangalang ”Tayo PU” ay may isang miyembro na nang-harass “di umano” (with rising intonation) ng kapwa niya lider-estudyante na nag lie-low dahil nga naglalaro ng dedma-dedmahan challenge ang org sa mental health ng mga kasapi nito. Afteret ng insidenteng itiz, ‘di raw sinuspinde agad ‘tong si koya alyas “Youvan”. Biglang may nag-call out sa eksenang ‘to na mula sa isa pang org na tawagin nating “elepface”. May mga iilang kumakampi rito kay koya Youvan mula sa mga ka-kolek niya sa Tayo PU at elepface. Ang majakilit jose lang doon ay ‘yong ibang mga pumapanig sa kaniya ay nagti-tweet ng kys (k*ll yourself) remarks na patama doon sa mga lumabas na biktima sa Twitter. Very Ate Tin ang atake ha? Enabler lang ni Ninong? Eme! — anong tugon? HAAAA ATE THIN, HAAA ATE THIN, HAAAA ATE THIN!

Kalaunan ay najuspindiririt pa rin naman si koya pero ‘yung kalat na pinagdaanan ng mga ka-kolek niya sa Twitter ay talaga namang air-time!

Speaking of air-time, may tatlong fersonavility pa ang nag-bless kay Ms. Understanding! Itong si ateng Tyla with a K (from You Est See) ay pinuna ang isang essy (which is ang Cassie Mondragon Es See) dahil gagamit ‘di umano ito ng ibang materyales sa pagkonsulta sa Sea Es Ow. Ngayon, itong Cassie Mondragon Es See ay nag-post sa FB world ng statement na dapat may kalayaan sila na gumamit ng sarili nilang materials and everything, and then si koyang itago natin sa pangalang Bryanboy (aka Ninang from TikTok), na kapatid ni Precious LARA Quigaman (mula sa Zooshort), ay nag-comment at pinuna ang eksenahey nitong Cassie Mondragon Es See. However, si koyang alyas “Ejercito” na galing din sa You Es See ay nag-tweet ng statement about sa ibang materials issue. Sa FB nagmula ang comment ni Bryanboy na kapatid ni Precious LARA Quigaman pero sa Twitter nagreply itong si Ejercito. Ang sistemarie pa ay nagpasaring ang ibang miyembro ng Cassie Mondragon Es See na si alyas Aboverei na para bang nag-post lang ng intrusive tots sa dump account niya huhuhu. Ateret, nalimutan niyo po ata i-only me, eme!

I know na sa isang pulitikal na grupo, may different ideologies talaga — sa katunayan, mainam nga ito para magkaroon ng check and balance (taray BS Accounting yarnch?) pero hindi dapat maging factor ito upang hindi magtulungan sa loob ng org! At mas lalong hindi dapat sini-share ang mga internal conflicts sa social media!

Ang tip ni Lola P., kapag medyo award winning ceremony ang mga nasa isip, ‘wag muna i-tweet, kausapin muna si “self” sabi nga ni Queen Dura — parang ganito:

Self, may masasaktan ka sa sasabihin mo, ‘wag mo na i-post!

Wala kang pakialam, dedma ako sa mga makakabasa dahil account ko ‘to! (sabi ni self)

Pero self ano nalang ang iisipin ng mga kapwa estudyante mo na bumoto sa’yo?

Bakit kasi nagpapadala sa mga iniisip ng tao?! Gew doon sa far away naiinis sa face! (reply ni self)

Kumalma ka, self, ano man ang mangyari dala mo pa rin ang pangalan ng org niyo!

Getsung namern ng lola niyo na ginagamit niyo minsan ang Twitter para ilabas ang mga intrusive tots niyo, pero isipin na may posisyon at platform kayiz! Anuman ang i-tweet niyo, kaaya-aya man o hindi, ay pwedesung na majinterpwet ng mga nakakabasa noon na gano’n na rin ang stances ng buong org niyo! Sabi nga ni Uncle Ben “With great power comes, shot tayo isang tower” — ay mali, comes great responsibility pala!

Magkaroon din sana ng removals ng superiority complex! May mga lider-estudyante kasi na nagiging arogante porke’t matagal na silang tibak at nasa pwesto — nako, ayaw na napupuna ang pagkakamali nila! Minsan pinapauna pa nila ang mala-Inside Out na emotions nila sa pag-address ng issue itself, instead na maging objective at issue-oriented.

Idk if kulang or ‘di talaga nakinig sa mga ED itong mga nakaret ko, eme! Sure naman ako na-teach me how to dougie sa A-Rock nila ang konsepto ng pagbuwag sa liberalismo. Sa kaisipang ito, pina-prioritize mo ang self principle mo, to the point na ayaw mo sa versusan ng ideologies. Sa context ng kalat sa Twitter, ‘pag may liberalist mindset ka, yinu-your face sounds familiar mo ang troll na si Jam Magno na nakikipag-debate sa social media pero naka-restrict ang comment section. In short, sarado ang isip mo sa mga katunggaling opinyon ng sarili mong pananaw, at nagreresulta ito sa hindi makaprinsipyong kapayapaan. Sa pagkachugs jugueta ng gantong pag-iisip, mas magkakaroon ng sistemang tutuligsa sa mga pagkakamali at pagkukulang ng mga kasapi ng organisasyon, at maiiwasan ang pagkakalat ng mga internal na usapin sa social media.

Isang example de ap ng ganitong mindset ay yung mga aport ni Youvan na naging enabler! Alyas “FLoyd Mayweather Jr.” plz speak to the mic, eme! Ayon sa aking RRL (Review of Related Litratong Screenshot), since bessywaps ni FLoyd si Youvan, laman ng mga tweets niya sa naspluk niyang priv account ay yung pag-invalidate sa traumatic experiences ng mga na-harass. Kaya nako, hindi ako naniniwala sa katagang ng kabagang ko na si Aristotle na “All man is a rational animal,” so ano itong sila Youvan and friends? Mga hathor? Chenez! Maybe we got lost in translation tayo sa lyrics na “ang kaibigan ay nag-aalay ng sarili niyang buhay,” nak ah?

Bilang Lola niyo, mariing kinokondena ko ang anumang klase ng pangha-harass. Hindi sapat ang pagsibak sa pwesto, dapat panagutin sila, kung kailangan makulong — ikulong. Tandaan na bilang tagapagtaguyod ng karapatan ng mamamayan, ang mga kabataang ito dapat ang nangungunang tumutulong na makamit ang hustisya, at hindi dapat sila ang hinihingan nito!

Liberalismo ring maituturing ang pinakita ng mga taga-Cassie Mondragon Es See. Hindi naman masama na gumawa ng sariling pasya pero dapat ay idinudulog at inihihingi ito ng approval. At kung sakali naman, mayroon nang unang napagkasunduan, hindi dapat ito suwayin nang walang pasabi (tapos maghihimutok dahil napulis ang desisyon) — no na no! Hays! Bukod pa ro’n, imbis na replyan at magkaroon ng malusog na diskusyon sa FB ay naglaro ng ad hominem (AKA personal na nang-atake ng ferson) sa Twitter itong si Aboverei.

Naku! Kaya ngayong paparating na ang eleksyon, sana maisapuso at maisapraktika ng mga nakshie kong lider-estudyante ang WOW (Words of Wisdom) ni Lola P. Isang malaking hamon ang pagkuha muli ng tiwala ng sangkaestudyantehan. Kung tatanungin niyo ko “paano?” — ang sagot ko lang ay “Hindi ko na po alam, your honor,” basta ang favorite ko lang kainin ay itlog ng POGO, este pugo! Low blood kasi ako (#danas)!

Pero seryoso, bago niyo kunin ulit ang tiwala ng mga fersonavility ay ayusin nyo muna ang org nyo! Mag-CLAYGO at Tapat Mo, Linis Mo (este Tweet Mo, Linis Mo) ng mga pagkakamali at pagkukulang — waksiin ito, magplano, at tiyaking ‘di na muli ito mangyayari. Itong pagpaplano na sinasabi ng Lola niyo ay maaring sa paraang pagkokonsolida ng memberz at properly i-address bonifacio ang past at present beefs!

Continuously din sana na isapuso at pagtambalin ang mga natutuhan sa ED at from experiences bilang lider. Mag-asawa sila, mga apo, at hindi pwedeng paghiwalayin. Ika nga nila, “Ang teoryang walang praktika ay baog at ang praktikang walang teorya ay bulag.”

Oh siya, mag-iced coffee nga tayo minsan (‘wag lang sa Starbucks dahil baka masakal ko kayo! #FreePalestine!) nang ‘di kayo naveversusan sa Twitter. Muli, ako ang lola niyong walang palalampasin; anumang chismis sa UPM, ating tutugisin, ako ang favorite lola ng UPM — ako si…Lola Patolaaa! Mwah!

--

--

The Manila Collegian
The Manila Collegian

Written by The Manila Collegian

The Official Student Publication of the University of the Philippines Manila. Magna est veritas et prevaelebit.

No responses yet