Mga Kwento ni Lola Patola
SAIS, SAIS, SAIS, Umayos Ka Plz, Amaccanah sa Pang-chachariz!
Ni Jhuztine Josh C. De Jesus
Akala ko before, singko na ang pinaka nakakatakot na numero para sa mga yupi peeps… Welp! That was before 2013 noong pure face-to-face pa ang enrollment. SAIS (Student Academic Information System) is currently our reigning kween bilang scariest number, especially para sa mga nakshie at apo ko rito sa yupi-em!
Hi, hello, mabuhay, dalaygon, mga apo at nakshie! Narito na ulit ang lola niyong walang palalampasin; anumang chismis sa UPM, ating tutugisin! Ako ang peyborit lola ng UPM — it’s me, the one and only Lola Patolaaa!
Bago ang lahat, ano muna ang tugon?! Lola P, i-chika mo na, dali! (Ayeee! very Mars Ogie Diaz coded, anez?!)
Kalokwoah! It’s enrollment szn na naman sa UPM, and that means SAIS War is coming through — makikita niyo na naman ang ‘Cloudfare,’ ‘Patience,’ and ‘Failure of Web Server Bridge’ during enlistment, pagkapindot niyo ng “SAIS V2” kuno site. Ang tanong, handa na ba kayowah? (Hev Abi’s Makasarili Malambing pasok — maintindihan mo sanang ‘di pa ako handa). Well, base sa mga naka-chika kong mga nakshies at apo ko rito sa UPM, ever since 2013 (panahon noong nai-launch ang SAIS sa UPM at UPOU) ganito na talaga ang interface ng SAIS. Partida na ‘yan ha, last year in-improve pa ang whole system na ‘to, pero until now, nuknukan pa rin ng glitches and errors. Shuta parusa!!!
‘Di lang ‘yan ha, ayon sa nasagap kong chismis na driven by facts from UPM USC, ilang beses na rin na-postpone ang online enlistment, na siyang nag-delay din sa start ng classes, dahil sa kapalpakan ng SAIS. Nakaka-vertigo ‘tong SAIS fr. Kaya tuloy ang panawagan ng karamihan ay #JunkSAIS!
Sobrang tedious din ito para sa ’ting mga enrollment committee dahil sila ang nagsisilbing 911 during these unprecedented times (unprecedented?! Sorry, batang thesaurus ata ang lola niyo, oha!). Bombarded sila ng mga concerns and problems ng mga nakshies at apo ko. Isang problemang nakikita ko sa enrollment committee is ang tagal nung lifting of restrictions ng mga GEs and PEs! Sobrang nakaka-ansha marie ito sa mga nakshie at apo ko; karamihan sa kanila, tuluyang na-de-delay dahil sa eksenamae na ‘to.
Hmmm… naisip ko lang. Wat eef bukod sa SAIS, wat eef i-junk na rin natin ang hindi maka-masang sistema sa bansa, kasama ng mga pulpol na nagpapatakbo nito? Simulan natin sa mga BBM, also known as Best Barkadang Masasama sa Gobyerno — hoy trigger warning lang ha, nabasa ko lang ‘yan somewhere, shinare ko lang sa inyo, hindi sa ’kin galing ‘yan, baka kasi mamaya maglaro ako ng nutri-nutri bun-an, eme! Teka lagyan ko na nga: Some of the names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Pero walang kemelatik ha, hindi kasi pwedeng basta i-point ang fingers (with nail extension colored with gel polish) sa SAIS at enrollment committees lang dahil they are just victims of love — este — victims of the rigged system. Problem talaga ‘to mula sa administrasyon. Instead na dagdagan ang pondo para sa mga State Universities gaya ng UP, na talaga nga namang nakakapag-produce ng mga stellar na mga kabataang Pilipino, eh patuloy pang binabawasan at binubulsa pa ang budget sa mga wallet na may brand name na ‘confidential funds’ — sachrue?! Sachrue! Hindi ko na rin talaga mawari if on purpose nila ginagawa ‘to dahil mulat at kritikal ang mga nakshie at apo ko dito sa UP at iba pang state universitiess sa mga kabulastugan nilang ginagawa eh.
Basta, wish ko ang duh best para sa mga nakshie at apo ko this upcoming enrollment szn. Sabi nga ni Mama Ru, “Racers, start your engines, and may the best [isko and iska win!], Good luck and don’t f*ck it up.” Malungkot mang isipin, pero hindi masasabi ng Lola P niyo kung hanggang kailan magtatagal ‘tong SAIS Wars na kinakaharap niyo ngayon. Maaari pang dumagdag sa kabulukan ang almost Php 3 billion budget cut sa UP System ngayong 2024.
Habang nandiyan ang opresibong pagbabawas ng budget sa ating tahanang pumapanday sa mga matatalino at matatapang na estudyante, ang bangungot ng SAIS ay patuloy na gagambala sa mga nakshies at apo ko bawat semestre. And I thank you!