Mga Kwento ni Lola Patola: Da Kembak of UPM Culture

The Manila Collegian
5 min readDec 20, 2023

--

Nina Jhuztine Josh de Jesus at Raxon Reyes

“Kembak to da young and byutipul u!” Oh loko, hindi niyo kaya, may time pa ang lola niyo manood ng pelikula! Siyempre, gaya ni Estelle ng Beauty in a Bottle, nagbabalik din akwoah! Hi, hello, mabuhay, dalaygon, mga apo at nakshie! Narito na ulit ang lola niyong walang palalampasin; anumang chismis sa UPM, ating tutugisin! Ako ang favorite lola ng UPM — it’s me, the one and only Lola Patolaaa!

For today’s vidyow, ang gusto ko talagang pag-usapan natin ay about sa “comeback” (Comeback?! KPop yarnch?!) ng mga bagay-bagay gaya ng kultura natin sa ating tahanan na UPM. Medyo matagal-tagal na rin kasi noong napag-chikahan natin itong headquarters natin (Alexa, please play Yakap by Jake Zyrus: Ako ay nagbalik at muli kang nasilayan…).

Unti-unti nang bumabalik ang mga ganap sa UPM noong mga nakaraang buwan. Nasilayan natin ang full-blown comeback ng aking mga kapita-pitagang, naggagwapuhan, at naggagandahang, mga nakshie at apo sa kani-kanilang kolehiyo para sa nagbabalik ding face-to-face classes. Rumarampa na naman sa corridors ang mga nakshie kong sobrang bongga kung manamit, akala mo magni-ninang sa binyag, e papasok lang naman sa iskul. Taray, pati mga apo ko’y in-game na rin sa laro kong ganda-gandahan eh ‘no?

Sa pag-comeback ng face-to-face classes sa campus, unti-unti na ring nanunumbalik ang mga pakulo at pasabog ng orgs. Bumabalik na talaga ang dating sigla ng buhay sa kalagitnaan ng Taft Avenue. Ngunit, may mga ilang katanungang umuusbong, kaya’t bilang batikang chikadora ng UPM, nag-interview ang lola niyong title holder ng ganda-gandahan ng iilang mga alumni, mga kasalukuyang estudyante na naabutan ang pre-pandemic setup, at ang mga online class babies. Tignan natin ang kanilang mga chika sa UPM culture (‘yon ay kung mayroon nga ba…charot!).

UPM Culture Noon at Ngayon

Halo-halo ang sagot ng mga nakshies ko, tbh. May mga nagsasabing meron naman, kaso per college nga lang dahil watak-watak pa rin ang Pedro Gil at Padre Faura faction (FACTION?!) ng UPM. RobMan, daga, at mapanghing (Sana all mapanghe!) mga daanan lang ata ang nagkokonek sa ‘king mga nakshie. Idagdag mo pa ang kawalan ng canteen at heavy acads ng mga tao, kaya naman kung hindi kulang ang university-wide activities ay kaunti lang ang nakikisawsaw.

Ayon pa sa aking pakikichismis — este — pananaliksik… [Saveh?! Kuya Kim yarnch?!], may iilang nagsabi na meron naman daw UPM culture, ang kaso lang, hindi talaga nila ito dama (May kink siguro kayo sa ‘nonchalant boyfriend’ kaya ayan, binigyan kayo ni UPM — I say dasurv, eme!). Isa raw sa mga dahilan na hindi nila dama ang ‘kabuuang kultura” sa UPM ay dahil may kanya-kanyang ganap ang iba’t ibang kolehiyo, na siyang bumubuo ng iba’t ibang tradisyon. Ito’y nagdudulot ng mga dibisyong marahil ay rason kung bakit hindi dama ng mga nakshie ko ang UPM Culture as a whole.

Halimbawa, may mga event na para lamang sa College of Arts and Sciences (CAS), at kung meron mang university-wide events mula sa isang college, hindi ito nababalitaan o ‘di gaanong naeengganyong dumalo ang ibang estudyante mula ibang mga kolehiyo. Sa kabila nito, mapapansin na may kanya-kanya ring branding ang mga kolehiyo sa UPM. Halimbawa, ang College of Allied Medical Professions daw ang ‘merriest college’ (sana all masaya diba? kimmy!) dulot ng bonggang energy nila tuwing Lantern Parade.

Pero kung titingnan, mapa-past man or present, pareho pa ring kakulangan sa pisikal na espasyo ang ugat ng pagiging matamlay ng kultura sa UPM. Ayon sa aking data gathering mula sa mga chikadora kong respondents, nag-aagawan na sila sa vacant spots sa library at iba pang mga lugar noon pa man. (Agawan?! Parang asawa lang sa Pinoy Telenovela ang eksena!).

Halimbawa, sa CAS Student Center na ginawang canteen noong pre-pandemic, may ibang estudyante na kumakain nang nakatayo dahil sa kakulangan ng upuan; hanggang ngayong post-pandemic ay nangyayari pa rin ito, pero habang nag-oonline class naman. At ito pa, may mga performing orgs na hindi nabibigyan ng lugar para makapag-ensayo, gaya na lang UP Manila Dramatista. Ito na ata ang sinasabi ni Stella Salle na ‘parusa ng panginoon!’ Keme!

In a sense, mga nakshie, maihahambing ang kultura ng UPM sa Hunger Games. Bukod sa nag-aagawan ng slot sa klase, nag-aagawan din sa mga pasilidad, at higit sa lahat ay may kanya-kanyang buhay din ang bawat kolehiyo. (Taray, it’s giving Districts sa Hunger Games!).

Pa-Explain Naman!

Panahon pa ni kopong-kopong itong isyu na ‘to, sa tru lang. Pero bakit nga ba nagkaganito ang mga nakshie ko?

Ayon sa pinsan ng pamangkin kong taga-OrCom na lolo sa talampakan ang tito ni Marshall McLuhan, maaaring ipaliwanag ang isyung ito sa lente ng Media Ecology. (Boogsh! Hindi niyo keri, may pa–theory tayo!). Sabi rito, “the medium is the message.” Kumbaga, hinuhulma raw ng ginagamit mong midyum ang mensaheng pinapadala mo–isipin mo nalang parang Cookie Molder, ganern!

Bago pa man mag-pandemic, kadalasang face-to-face ang mga promosyon sa sandamukal na events ng mga UPM orgs, ngunit noong nag-pandemic na, napilitan ang lahat na i-maximize ang social media para ma-implementa ‘yong mga tradisyon at events nila. Dahil sa disconnect na hatid ng komunikasyon online, lumabnaw ang bigat ng mga imbitasyong ito. May iilang mga pag-aaral pa ang mga nakshie kong OrCom na mas ramdam ng mga Pilipino ang sinseridad kapag ang mga imbitasyon ay face-to-face. (Naks, nagbasa ng readings ang mga nakshie ko, ah!)

Noong pandemic era, kadalasang nawawalan ng gana na dumalo ang mga tao dahil kung hindi boring, ay nagmumukhang hindi seryoso o walang bigat ang mga imbitasyon online. Kumbaga mas feel daw nila ang face-to-face kasi nga naman ramdam mo ‘yung actual…uhm…penetration? Sensation? Hallucination? (Ah basta! Choose among the choices, malalaki na kayo!)

Pero ano ba ang punto ng lola niyo? Ang punto ko ay may malaking epekto sa mga orgs (na siyang numero unong na source ng pagbuo ng UPM culture) ang midyum na gagamitin o ginagamit nila sa pag-promote. Nakasalalay din kasi sa ganda ng atake sa promotion or marketing ang nakukuhang engagement nila mula sa mga estudyante. (In short, dapat magaling silang mambudol! Cheret!). Wala namang masama sa paggamit ng social media para mag-promote dahil mas malawak ang nasasagap nito, pero kung patuloy silang malilimita rito at hindi susubukang bumalik sa tradisyunal at aktibong pambubudol — este, panghihikayat — ay mahihirapan silang ibalik ang sigla ng mga estudyante.

Higit sa lahat, kailangang matugunan sa lalong madaling panahon ang pagbibigay ng sapat na espasyo sa loob ng kampus hindi lamang sa pang-akademikong mga gawain, kundi para na rin sa recreational purposes nang sa gayon ay hindi mananatiling matamlay ang kabuuang kultura natin sa UPM sa mga susunod pang henerasyon.

Nyiweys, medyo antokzshow marie na ang lola niyo, kaya hanggang dito na lang muna akez. Muli, ako ang lola niyong walang palalampasin, anumang chismis sa UPM, ating tutugisin, ako ang favorite lola ng UPM– ako si…Lola Patolaaa! Mwah!

--

--

The Manila Collegian
The Manila Collegian

Written by The Manila Collegian

The Official Student Publication of the University of the Philippines Manila. Magna est veritas et prevaelebit.

No responses yet