‘Breaking’ the Glass Generation
Siwang sa Modernong Kultura ng Pagpapalaki
Nina Chester Leangee Datoon at James Lajara Magpantay
Gone are the days of the tumbang-preso at chinese garter generation; now is the dawn of Gen Alpha — mga batang may pristine white skin, never nadapa at nasikatan ng araw. Bihira na ang ‘here comes the airplane’ na pampilit ni mama kumain dahil ‘give ko cellphone later’ na ang mas epektibo ngayon.
Kung dati’y pinapabukas pa sa parents ang TV para manood ng cartoons with story, ngayon ay ‘matic tutok na sa gadgets para magpakasasa sa funny yet empty content. Times may have changed, pero lumulutang pa rin ang age-old issues sa kultura ng pagpapalaki — now in 4K, 2160p resolution!
BABY BOOM!? Pass the Responsibility
Ang modernong itsura ng ‘parenting’ ay inklinado sa tendensiyang ituring na bomba ang responsibilidad bilang magulang — ipinapasa-pasa sa iba upang mapagaan ang kargo sa dibdib. Sa larong ‘Pass the Bomb,’ nagpapasahan ng bomba ang mga manlalaro para ‘di sila apektado sa pagsabog nito. May different levels ang larong ito nina mommy and daddy:
Level 1: Ipaalaga kay Yaya. Ang kaso, magastos.
Level 2: Ipasuyo sa friend o kapitbahay na single. Ang kaso, nakakaperwisyo.
Level 3: Ipaalaga kina lolo at lola. PERFECT!
Kasi naman, in this ‘Golden Era,’ mahal na ang basic necessities! Kayod-kalabaw ang parents para hindi maranasan ni baby ang struggles nila before! Bunsod nito, overworked sila ng companies. Alam kasi ng mga ito na matindi ang pangangailangan ng employees nilang may binubuhay na pamilya. Kaya, napapasahan din sina mommy at daddy ng ‘bomba’ — irrational demands ni boss kapalit ng kakarampot na salary ‘as said in the contract.’
Kung physically exploited ang parents na nakikipag-away for a 6-month job order, emotionally exploited at attention-deprived naman si baby na naiiwan sa bahay. Instead na makipag-socialize with friends guided by their parents, ang emotional growth ay nakasalalay na lamang sa pinapanood nila online. ‘Switch’ kung maituturing si baby — minsan malakas magmaktol, minsan naman ay sobrang tahimik. Walang middle ground dahil ‘di natututukan ng parents.
Nakababahala ang normalisasyon ng larong ‘Pass the Bomb’ sa kultura ng pagpapalaki. Mananatili itong siklong ‘di maiiwasan hangga’t nagpapatuloy ang panggagatas ng malalaking kompanya sa mga empleyado kapalit ang kaluluwa at katiting na barya. In the end, sasabog na parang bomba ang katotohanang ang mapagsamantalang sistema sa paggawa sa ilalim ng mga gahamang kapitalista ang humahadlang sa realization ng ‘happy family’ ng mga Pilipino.
Dress to Impress…Your Future Employers?
Tulad sa Dress to Impress, nagtatagisan din ang parents na gawing 5 star-worthy ang anak nila upang ipagyabang sa ibang tao at i-endorse sa kanilang future exploiters — este employers. Uhaw kasi ang mga companies sa mga spokening dollar na ready i-ship out para maging OFW (Onting Fayment Will do) sa lupaing far away.
Bunsod ng pag-usbong ng teknolohiya, ibang-iba na ang canon events sa paglaki ng mga chikiting. Kung dati’y 1v1 si parents at bunso sa pahabaan ng pasensya habang nag-aaral ng ABAKADA, ngayon ay nakatutok na sa gadgets at nanonood na lang si baby ng kaniyang paboritong Ohio-core educational YouTube channels na parang lumaklak ng 50 shades of neon colors dahil nakaka-overstimulate sa senses.
Karamihan din ng educational content sa internet ay in English, kaya naman natural na mapipilitan maging spokening dollar si baby. Sa likod ng makapal na accent ng mga chikiting, nananalaytay ang panganib na maging backburner na lang nila ang Filipino’t mga katutubong wika. Ang malala pa, itinulak ng gobyerno ang Republic Act No. 12027 na naglalayong alisin ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) mula kindergarten hanggang ikatlong baitang para daw malutas ang ‘educational crisis’ sa bansa na litaw sa slow reading at learning ng kids. Flop na naman ang tanders sa pagsugpo ng problemang ito at the grassroots level; sa halip, todo band-aid solutions sa problemang ‘di na mamahaw-mahaw.
Iba-iba man ang themes at marami mang damit to choose from, sa huli, Ingles pa rin ang pamantayan. From content na pinapanood ni baby to the mode of classes niya sa school, they are dressed to impress their future employers. Dahil dito, naaapektuhan ang skills ng mga chikiting to read, write, speak, and listen sa mga wika sa Pilipinas. Sa halip na na-i-impress ang mga banyaga, dapat dressed ang next generation sa skills and learnings na gagabay sa kanila upang maging competent Filipino citizens.
Chained Together: Child & Company Edition
Para magpatuloy, manood muna ng two non-skippable ads to continue — pwede ka ring magbayad ng 500 pesos para hindi na ito makita muli. Oh diba, kung dito may ads na, how much more sa content na pinapanood ng Gen Alpha? In the new era kasi, everything is all about milking ‘profit’ from ‘clout-worthy’ things — damit, phone, or 11k na anik-anik pa ‘yan!
Kaya naman tulad ng larong chained together — an obstacle course for two — companies have the children on their hands. Dahil sa oportunidad na kumita ng limpak-limpak gamit ang kiliti ng mga bata, todo release ng mga content, toys, at even concerts ang favorite companies at content creators ng Gen Alpha. Aside kasi sa peer pressure, ito ang characters na kinagigiliwan at iniidolo ng kabataan gawa ng lagpas 12 hours screentime ng mga ito nang walang patnubay ng parents.
Bata pa lamang, sinasanay na ang ‘future builders’ sa kalakaran ng lipunan — kailangan mo makuha ang latest para makasabay or else, wala kang rizz. With this, madalas magmaktol si chikiting para bilhan ng parents ng laruang 2 months pa lang ay ‘old version’ na. Sa likod ng colorful toys, funny videos, at catchy songs, lumilitaw ang katotohanan: nakagapos sa tanikala ng pera ang mundong ating ginagalawan.
Hindi alintana ang kamusmusan ni baby para maging easy target ng mga multibillion companies at greedy content creators para manggatas ng pera. Dahil dito, sa halip na sumusubok ang mga chikiting magbasa at magsulat, online trends ang iniisip nila. Talaga namang it’s through breaking this ‘chain’ naisasabuhay ang diwa ng malayang pagpapalaki sa mga bata.
Pag-asa ng Bayan, No Cap
Mukha mang kalaban ang technology na new addiction ni baby, may hope pa rin for its redemption arc through using it sa mga paraang nakaka-enrich at empower kay baby — syempre, with the help and guidance of their parents. Ang kailangan lang nila’y masusing paggabay — na siyang hindi mari-reach hangga’t nakakulong pa rin sa parusang 7 to 5 p.m. job (plus OT) ang kanilang mga magulang. Kung paanong nakakulong sa algorithm ng TikTok at YouTube Shorts ang mga bagets ay ganoon din nakakulong ang kanilang mga magulang sa isang sistemang kundi kakarampot ang sahod ay kakaunti naman ang mga benepisyo.
Sa huli, tunay na ang Gen Alpha pa rin ang susunod na hahalili sa pagpapatakbo sa lipunan. Hindi na-e-expire kagaya ng online subscription ang pinanghawakang salita ni Rizal na gasgas man, pero relevant as ever pa rin — kabataan ang pag-asa ng bayan. Nakababahala ang lumalawak na siwang sa modernong kultura ng pagpapalaki ng bata sa Pilipinas, kung kaya’t mas lalong mahalagang pahalagahan ang bawat yugto ng kanilang paglaki — from toddler years to adolescence. In reality, systemic ang root of all evil ng problemang ito. Kaya naman hindi lang si mommy, daddy, lolo, o lola ang kailangan umaksyon, kundi ang mga people in power din na in a snap of a finger ay kayang maglathala’t magpatupad ng batas.
Ngayon higit kailanman, ay kahingian na gumawa ng isang lipunang maingat na palalakihin ang bagong henerasyon, na siyang binabansagang ‘Glass Generation.’ Tulad ng glass, sila’y fragile — ibig sabihin, dali-dali lamang nilang inaabsorb ang samut-saring impormasyong nakakalap online. Kaya naman kailangan ding pag-ibayuhin hindi lamang ng mga magulang, kundi pati mga paaralan ang pagtuturo sa mga bata kung paano kumilatis ng impormasyon, lalo pa’t malabong ma-gatekeep sa mga bagets ngayon ang gadgets at internet.
Lahat ng ito’y ma-a-achieve lamang kung full force ang suporta up to the systemic level ng gobyerno. Kapag nakabubuhay na ang sahod nina mommy at daddy at kapag nagagabayan sa tahanan at paaralan ang Gen Alpha, ay saka lamang malulutasang lumalawak na siwang sa makabagong kultura ng kabataan.