Tapyas-pondo sa edukasyon, hamon, dagdag pasakit sa mga mag-aaral

The Manila Collegian
2 min readOct 14, 2023

--

ni John Paul Cristobal

Haharap sa bagong hamon ang sektor ng edukasyon sa susunod na taong panuruan matapos maaprubahan ng kongreso ang pagtatapyas sa pondo ng 33 sa 117 na state universities and colleges (SUCs) sa Pilipinas. Kabilang na rito ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) na sasalo ng may pinakamataas na bawas-pondo.

Ayon sa aprubadong 2024 National Expenditure Program (NEP), nakatalaga ang Php 100.9 bilyong pondo para sa 117 na SUCs, mas mababa ng Php 6.1 bilyon mula sa Php 107 bilyong badyet noong 2023.

Samantala, dadanas naman ang UP ng Php 3 bilyong kalaki na bawas-pondo mula sa Php 24.3 bilyong pondo noong nagdaang taon.

Ipinapalitaw ng naturang badyet na hindi na kailangang maglaan ng malaking pondo sa SUCs sa capital outlay (CO) o ang pondong ginagamit para sa pagpapatayo ng mga imprastraktura at pagbili ng mga long-term asset.

Noong 2023, naglaan ang pamahalaan ng Php 14.6 bilyon na pondo para sa CO ngunit kinaltasan ito ng 62% na nagresulta sa Php 5.5 bilyong pondo na lamang.

Para sa mga mag-aaral, dagdag pasakit ang kawalan ng prayoridad ng administrasyong Marcos sa sektor ng eduksyon.

Sa UP Manila, nananatiling suliranin ang kakulangan ng espasyo dahil sa limitadong pondo. Danas ng ilang mga mag-aaral ang pagsisiksikan sa ilang klasrum, pagpunta pa ng ibang kolehiyo para sa kanilang mga klase, at karagdagang slot sa mga kurso upang matanggap sa enrollment ang lahat ng nangangailangan nito.

“Sa estudyante kasi napupunta ‘yung responsibilidad na dapat tugunan ng estado. Sa kaso ko, naging pangalawang tahanan ko na ang Robinsons Place Manila. Ako na mismo ‘yung naghahanap ng conducive place for studying which is dagdag financial burden na siya,” ani Victor Dias, mag-aaral ng BA Development Studies.

“Tuwing enlistment, dama ko ang [epekto] ng pagbawas ng budget kasi mas nababawasan ang profs kaya nababawasan din ang mga slots para sa aming mga estudyante. Dahil dito, imbis na mayroong slots ang lahat, nagaagawan pa tuloy kami sa mga slots na dapat sana ay hindi na kung sapat lamang ang budget,” hinaing ni Benedict Ballaran, mag-aaral ng BA Political Science.

--

--

The Manila Collegian
The Manila Collegian

Written by The Manila Collegian

The Official Student Publication of the University of the Philippines Manila. Magna est veritas et prevaelebit.

No responses yet