We’re women from the Philippines, of course…
by The Cult Team
Kumusta na ba ang mga “morenang dalagang Pilipina” sa bansa? *play Maria Clara by Janah Rapas* Tila tulad ng ilang Titas of Manila, iniindak na lang nila sa social media ang linyang “tingnan mo naman ako sa mga mata mo” dahil hanggang ngayon ay mga mestiza at chinita pa rin ang tipo ng ating gobyerno, as manifested sa every day, every night nilang pagpapraktis ng sayaw na ChaCha. Kakapraktis ay nawawalan na sila ng time (meron nga ba from the start? lols) sa mga “worthy” societal issue na need ng agarang attention & action — tulad ng kalagayan ng mga kababaihan sa Pilipinas.
Ang mga dapat kasing kini-keep in mind ni BaByM ay ang kasarinlan ng bansa, nakabubuhay na sahod para sa mga manggagawa, at kung natatamasa ba ng mga Pilipino — partikular ng kababaihan — ang kanilang mga karapatan; at hindi ang mga panukalang sila-sila lang naman ng kanilang mga paboritong mestizo’t mestiza ang magbe-benefit. Akshually, kahit pa ang mga nakalipas na administrasyon ay wala rin talagang pake sa masa, nangre-redtag at pumapatay pa ‘pag ‘di nila bet ang tabas ng dila. Panay karipas din ng takbo itong former prezzy natin kasi may ongoing investigation sa kanya ang ICC (apakarami kasing HR violations ni anteh! Walang pinalampas kahit bata’t babae!).
Kaya naman ngayong National Women’s Month, sabay-sabay nating chikahin ang ating sisterets at kumares sa iba’t ibang larangan at sektor. (Kumusta na ba kayo, mga ante?) Sama-sama nating hubarin ang hapit na hapit na long gown (with matching high heels pa ‘yan ng misogynistic jokes lol) ng discrimination & injustices na pilit na ipinapasuot sa ating mga kababaihan.
We’re women from the Philippines, of course kapag inaapi, lalaban kami! Abante, babae!
General
We’re women from the Philippines, of course, hindi pantay ang tingin sa amin tulad sa mga lalaki!
Kami na nga nasasaktan tuwing sinasakop nila ang aming katawan, kami pang bahala sa pagsusustento ng bata sa loob ng matres namin. Jusq dzai, pati pagluluwal at pagpapalaki ng bata, kami pa rin. Mapapa-sana all Mama Mary ka na lang sa pagbubuhat sa mga lalaking tinatawag ng laman! (Huy, konting kahihiyarn namarn dyarn!)
Hindi pa riyan nagtatapos ang paghihirap namin bilang babae. In game din kami sa pagsusulong ng menstrual leave at pagkakaltas ng buwis sa mga produktong makakatulong tuwing may buwanang dalaw kami, pero itong mga lalaking hindi naman nakaka-experience ng mens ang may kapal pa ng fezlak para insultuhin kami, as if hindi sila galing sa mga nanay nilang babae rin naman hmpf!
Kapag gusto naman namin ipalaglag ang anumang nasa loob ng katawan namin, daig pa ng mga marites ng barangay kung makapagreklamo ang mga boylet na twoah, akala mo silang nagdadalang tao at dinadalaw para makipagbitcheshan! Talagang idadaan pa sa mga makalumang paniniwala ng religion ang rebut na pagiging pro-life, e kung hindi kaya kayo nagpapakamanyak o may plano kayong panagutan ang mga nilalang na nabubuo kapag kating-kati ‘yang mga espada niyo (ehem Quibs, tapos na ang maliligayang araw mwoah!). Sa panahon ngayon, hindi na applicable ‘yang pa-all lives matter niyo kung hindi niyo naman nirerespeto ang buhay ng lahat.
Inis. Lungkot. Kaba. Pangamba. Takot. Galit. Oo, lahat ng posibleng emosyon, talagang madarama namin! OA na kung OA, pero ganon talaga kapag isa kang babaeng napapaloob sa isang patriyarkal na lipunan. Ika nga ni Inang Taylor, fuck the patriarchy!
Transwomen
We’re women from the Philippines, of course, hindi kami kinikilala bilang babae!
“Sir, doon po ang lalaki sa kabilang bagon, babae lang po d’yan!”
“Grabe na ang mga woke ngayon, why would we allow trans women to take the place of real women sa Miss Universe?”
“Kasalanan din naman kasi ‘yan ni Jennifer Laude, ba’t kasi niya tinago?”
Oh, baka may mga anaconda na namang mag-crayola kung bakit kami kasama sa article na itech? Kami ang mga transpinay, a.k.a God’s strongest soldiers, kasi Lord bakit sa Pilipinas niyo pa kami nilagay, na pati pageants na wa-epek naman sa mundo, eh, may say ang mga OA sa pagsali namin?
Sa isang bansang pahirapan pati mga straight na mag-asikaso ng mga ID (thank you, bureaucracy gods), paano pa kaming mga hindi pinahihintulutan mag-name at sex change sa mata ng batas? Tuwing mag-aayos ng mga papeles, pinapaalala lang ang traumang sinapit at sinasapit namin, trigger warning naman sa deadname mga ate ko! At dahil hindi nga pwedeng palitan ang papers, limitado rin ang pag-aapply sa trabaho dahil maraming transphobic na employers. Kung matanggap man, chismis dito, chika doon! “Ay, trans pala si ano. Hmm, I respect the LGBT community pero …”, oo na sez, sino? Sino nagtanong?
Kaming mga transwomen din ang kadalasang target of harassment, lalo na sa mga siksikang public transpo. Kaya minsan, may dilemma kami kung titiisin bang sumakay sa unisex carts ng LRT o susubukang sumakay sa women’s only. Tanggap nalang namin na may posibilidad na mapahiya kapag nasigawan ng guard sa megaphone. Isa pa, pinapaalis din kami sa women’s comfort room para raw sa ‘safety purposes’ ng babae. Hallur, naka miniskirt na kami at lahat lahat, ano sa tingin niyo ang gagawin sa’min pag pumasok kami sa men’s? Juskoah, kakaloka! Warla talaga kaming trans sisters everyday in this country!
Bagama’t itunuturing nang isa sa pinaka LGBT-friendly countries ang Pilipinas, karamihan ng sentro ng diskursong ito ay nakatuon pa rin sa mga cisgender sisterets namin. Isang hamon pa ‘rin sa mga kapwa Pilipino ang ideya ng trans people. Mga vakla, tandaan niyo lang na bago pa dumating ang mga Espanyol, naririto na ang aming mga slay-able ancestors, ang mga babaylan! Oh diba, pawer! Talaga namang we’re here, we’re queer, and most importantly–we’re women!
Peasant
We’re women from the Philippines, of course kapag peasant advocates at women’s rights defender ka, ikukulong at ipapapatay ka nila.
Ang kaso ng Extrajudicial Killings (EJKs), o ang pagpatay nang walang pahintulot ng batas sa bansa ay kinabibilangan ng mga kababaihang pesante at women’s rights defenders (at hindi ‘yon chika ha!). Rowena Gavina, Racquel Quintano, Elisa Badayos, Moreta Alegre, Gee-An Perez, name it! Jusko, parang ginagawa silang “datos lang” para masabing may achievements talaga sa misogynistic at pasistang termino ni Rodrigs, who always digs ng mga paglilibingan ng mga babaeng ito.
Sa kabila ng nakakasuklam na rape jokes, mas nauna pang pakawalan ang mga lalaking kriminal at rapists, gaya na lamang ni Joseph Scott Pemberton na knowstramelz ng lahat na pinalaya sa kabila ng pagpatay niya sa ating transister na si Jennifer Laude..
Ang Pilipinas — ang parehong bansa na lumaya nang dahil sa “pagrereklamo” mula sa katiwalian ng mga dayuhan (citing Papi Rizal), ay muling naging sarado sa pagiging mulat ng mga naninirahan dito. Lalo na kung ang nagbibigay hinaing ay isang “babae.” Tinuturing silang banta sa kapangyarihang tinatamasa ng mga makapangyarihang kalalakihan ngayon (that perhaps explain bakit dalawa palang ang naging babaeng presidente sa Pilipinas). Don’t get me wrong, hindi ito matter of Ken vs. Barbie narrative ha, it’s about looking in the “double standards” na binibigay sa mga kababaihan — na “hindi mo pwedeng gawin ‘to kasi babae ka.” Tandaan mo, babae ka, hindi ka basta babae lang!
Urban Poor
We’re women from the Philippines, of course yes we do the cooking, cleaning, and working, kasi kung walang kakayod, eh anong uulamin namin?
“Ang tatay ang haligi ng tahanan, at ang nanay ang ilaw.” Sinong niloloko niyo? Kadalasan nama’y kami na ang ilaw, kami pa ang haligi, ang bubong, at ang palitada ng tahanan!
Bawat umaga nga nababalisa kami kakaisip kung saan kukuha ng baon ng anak, ng pambili ng bigas, at ng pambayad ng tubig at kuryente. Deadma na lang talaga sa pag-kaway sa gilid ng disconnection notice ng MERALCO!
Eh sana nga ay literal na buo na ang tahanan basta’t may ilaw, haligi, at mga supling. Kaso naman eh ilang taon nang nagpaparamdam ‘yung sandamukal na tulo sa kisame!
Marso pa lang, pero parang Piyestang Patay na rin talaga dahil sa dami ng nagpaparamdam! Kasama pa riyan ang lintik na nagbabadyang demolisyon, kesyo talagang sa BCDA raw ang lupa namin at gagawing business center raw ito para sa paglago kuno ng ekonomiya.
Aba, eh ang kapal nga naman ng apog nilang palayasin kaming ilang dekada nang naninirahan dito! Ang sabihin nila, magtatayo lang sila rito ng mall at mga condominium unit na lalangawin lang naman dahil walang nakatira.
Kayod kalabaw talaga kami sa gawaing-bahay, paghahanapbuhay, at pabahay. Aba’y pundido na ata kaming mga ilaw ng tahanan niyan!
Health Worker
We’re women from the Philippines, of course hindi pantay ang tingin sa aming women healthcare workers kumpara sa kalalakihan.
“Ah nag-aaral ka ng medisina sa UPM?” “Ah nagtatrabaho ka sa PGH?” Ano pa man ang tanungin ng tao, ang kadalasang follow-up question para sa mga kababaihan dito ay “Nurse ka siguro, ‘no?”
Habang walang masama sa pagiging nurse lalo na’t sila ang tinaguriang modern-day heroes, at kitang-kita ang kanilang superpowers sa pagpo-frontline na mala-Darna nung kasagsagan ng pandemya, hindi rin naman tama na ang kababaihang nasa health sector ay kino-compartmentalize bilang isang nurse. Ito’y pagsasawalang-bahala sa dami ng saklaw ng trabaho at oportunidad na maaaring kinabibilangan ng kababaihan. (Jusq, pati ba naman dito ikakahon nyo kami? Anena?!)
Isa pang isyung kinakaharap ng kababaihang nais sumabak sa industriya ng healthcare ay ang hindi pantay na pagtrato. Talamak at kitang-kita rito na ang iba’t ibang kritikal na desisyon ukol sa industriya ay sinasapawan ng mga kalalakihan. *insert bebe Sharlene: Ay wow sumasapaw!* Hindi pa nakatutulong na ang kadalasang sumasabak o gumagawa ng “tedious work”, ika nga, ay mga nurse at midwife, occupations na mga babae ang nangingibabaw.
Habang tayo rin ay nasa usaping trabaho na karamihang nililimita ang mga kababaihan sa healthcare industry, ang nursing at midwifery ay tinaguriang least compensated na propesyon sa healthcare industry ng Pilipinas. But wait, there’s more! (Oha?!) Sa kabila ng mababang tingin sa kababaihan sa larangan ng healthcare, pati na rin ang mababang sahod na kaakibat dito (ang taray ‘di ba? direct relationship ang atake!), ramdam din ng ating female healthcare workers ang pambabarat sa kanila ng sistemang kanilang kinabibilangan sa mga oportunidad sa iba’t ibang trabaho dahil lamang sa kanilang kasarian.
Tulad ng Fudgee Barr, O-BARRR sa BARat ang nararanasan ng mga Pilipina sa healthcare industry, sapagkat isinasaad sa mga pananaliksik na relatibong mas mababa ang nakukuha nilang sahod kaysa sa mga kalalakihan. Makikita rin sa kasaysayan ng industriyang ito na apat pa lamang ang naaappoint na Secretary ng Department of Health (DOH).
Talaga nga namang we deserve an explanation; we deserve an acceptable reason kung bakit ubod ng baba ang tingin sa mga babaeng healthcare worker dito sa Pinas! Hindi na nakakapagtaka na karamihan sa ’min ay dumarayo pa sa ibang bansa upang makakuha ng mas malaking oportunidad.
Paano namin pagsisilbihan ang bayan, kung ang mismong nakaupo sa poder ba na mismo ang tumatalikod sa amin?
Academe
We’re women from the Philippines, of course kahit mas marami kami sa academe, mas kinikilala pa rin ang mga lalaki.
Ika nga nila, there is strength in numbers. Utot nyo! Mukhang hindi naman ito totoo para sa ‘ming #WomenInSTEM. Ayon sa mga pananaliksik, sinasabi na sa kabuuan, pantay naman ang dami ng mga babae at lalaki sa larangan ng agham at teknolohiya, na mas pumapabor pa nga sa mga kababaihan. Partikular, ayon sa mga datos, mas maraming babae ang nakatatanggap ng Department of Science and Technology (DOST) scholarships, at dahil dito, mahihinuha rin na mas lamang ang kababaihan sa bilang ng mga nagpupursiging makapagtapos ng college at post-college degrees. Pantay rin ang oportunidad na nakukuha ng mga babae at lalaki sa industriya ng agham at teknolohiya sa kasaysayan, kung saan hindi nagtatalo ang kanilang dami sa iba’t ibang larangan.
Kitang-kita talaga ang disparidad sa mga kababaihan sa natatanggap na parangal at gawad sa academe ng agham at teknolohiya. Sinasabi na pinapaboran ng academe ang mga lalaki, partikular sa mga nasa Natural o Physical Sciences na industriya kumpara sa mga ibang sangay ng agham at teknolohiya na lamang ang dami ng kababaihan.
Sinasabi rin na bagama’t pantay ang dami ng babae at lalaking nagtatrabaho sa DOST, at malaking porsyento ng mga director at assistant secretary ay mga kababaihan, wala pang naaappoint na babaeng Head/Secretary ng DOST. Dahil din sa kakulangan ng datos ukol sa dami ng kababaihan sa academe sa pribadong sektor, mahihinuha ng mga salik na mas maraming lalaki ang nasa sektor na ito.
May pa-girlboss-girlboss pa kayong nalalaman, eh hindi niyo rin naman kami kinikilala!
Migrant
We’re women from the Philippines, of course kapag naghihirap ka’t kailangan ng pera, ibebenta ka ng sarili mong bansa bilang isang prime commodity.
Mula pa man noon, na mas pinalala sa panahon ni Makoy, biktima na ang mga migranteng manggagawang kababaihan ng ating administrasyon dahil sa Labor Export Program. Siguro dahil atat maging sikat at tuta ng imperyalistang US, ang programang ito ay nagbukas ng lantarang pagbebenta ng lakas-paggawa ng mga Pilipino. Obviously, kinalimutan na ni Dadi Mccoy ang human rights ng mga migranteng kababayan natin dahil sumakabilang-bahay siya kay Dovie Beams (Chz, not chz!).
Ngayon naman, puro salita lang ang junakis niya hinggil sa human rights violation at unpaid salaries ng ating mga babaeng byahero. Sarah Balagbagan, Flor Contemplacion, Joanna Demefilis, Jeanelyn Villavende, Mary Jane Veloso, que horror! Parang single-use plastics lamang ang ating manggawang migranteng babae para gamitin nang basta-basta ng ibang bansa.
Pasan ng migranteng manggagawang kababaihan ang mala-Sierra Madre (oo, teh, ganern level!) na sakripisyo. Sa kabila ng hirap ng trabaho, danas din nila ang kawalan ng seguridad, pang-aabuso bunsod ng bulok na gobyerno, at LDR sa kanilang mga mahal sa buhay (tapos ‘di pa sila makauwi ‘pag birthday ni Anne T_T).
Tulad ng mga bagay na babasagin at balikbayan box, simple lang ang hiling nila;. handle us with care — siguraduhin ang karapatan ng mga migranteng manggagawang kababaihan.
IP
We’re women from the Philippines, of course, kahit we’re the earliest to inhabit the lands and mountains of the country, wala pa rin kaming access sa basic services.
Let’s begin with the most basic, shall we? Isa sa mga ugat ng mga problemang kinakaharap ng kababaihan mula sa indigenous groups ay ang pahirapang pagkuha ng birth certificate dahil malayo sila sa syudad. No birth certificate, no access to public education. And it doesn’t end right there, dahil mas nagiging vulnerable sa kahirapan at kakulangan sa access sa social welfare programmes ang miyembro ng komunidad, gawa ng kawalan nila ng sertipiko ng kapanganakan. Kahit sa pagkamit ng bare minimum, #TheStruggleIsReal!
Ito pa, teh! Isa pang hinaing ng female leaders ng indigenous groups ay ang kinakaharap nilang isyu sa pagkawala, pagdakip, at pananakot sa mga aktibista mula sa kanilang komunidad na ipinaglalaban lang naman ang kanilang karapatan sa ancestral lands mula sa pansariling interes ng mga korporasyon. Hindi lamang nito naaapektuhan ang kanilang seguridad, kundi pati ang kanilang pagpreserba sa kanilang institusyon, kultura, at tradisyon. The sad truth: ang lahat ng ito ay repleksyon ng kakulangan sa pagkilala ng gobyerno sa karapatan ng pambansang minorya.
Hirap na ngang kilalanin at bigyang importansya ang karapatan at abilidad ng mga kababaihan sa lipunan na ating kinagagalawan, paano pa ang mga kabilang sa pambansang minorya?
Pakikibaka
We’re women from the Philippines, of course, kapag inaapi, lalaban kami!
Mula kay Oryang na walang-takot na binaybay ang kalaliman ng gabi habang yakap-yakap ang mga dokumento ng Katipunan; kay Lorie na ang dugong dumadaloy ay dugong mandirigma, nagpakilos ng kapwa nya babae at hindi nag-atubiling humawak ng armas laban sa diktadurya; kay Nanay Mameng na pinatunayang wala sa edad ang paglaban; kay Jhed at Jonila na buong-lakas sinisigaw ang katotohanan sa kabila ng pananakal ng kaaway; kay Kerima, Hannah, at sa lahat ng mga kababaihang martir na nagpasyang iwan ang karangyaan sa lungsod upang sa kanayuna’y magsilbi; hanggang sa bawat babaeng nais lumaya’t magpalaya, ang landas na kanilang piniling tahakin ay landas ng pakikibaka tungo sa tagumpay.