The Land is Inhospitable and So is the System

The Manila Collegian
2 min readOct 31, 2023

--

ng Seksyon ng Kultura

Kasabay ng pagsibol ng mga binhi sa lupa ang mga kwentong lulan nito magmula pa nang ginawa ang mundo. Sa tagal ng pag-inog ng panahon, isang aral ang kapupulutan: ang lupa ay búhay at dugo. Ito ay nagbibigay-buhay sa punla at magsasaka, dahilan upang dumanak ang dugo — sapagkat ang mapanglaw na sistemang kinagagalawan ng lupa’t tao ay ganid.

Gayunpaman, hindi panghabambuhay ang gabi. Sa likod ng karimlan ay may liwanag; sa pagkawala ng buhay ay umuusbong ang panibagong mga punla. Matapos ang pambubusabos ay mayroong pag-asa, at ang pag-asa ay nag-uugat sa dalawang magkatunggaling konsepto: una ay galit sa sistemang gahaman; pangalawa ay pag-ibig at paggunita sa tinubuang lupa.

Ang mga kwentong inyong mababasa sa antolohiya na ito ay bunga ng malikhaing pagsasa-inspirasyon sa kalalabas lamang na album ng Amerikanong mang-aawit na si Mitski na may titulong “The Land Is Inhospitable and So Are We.”

The Deal

nina Christopher Tyrese Dela Cruz at Joanna Pauline Honasan

Malamlam at umaandap-andap ang bumbilya sa burol na dinaluhan ni Armando; sa tapat ng bahay kubo na lamang inilagak ang mag-amang pinaslang habang nag-aani.

BASAHIN: https://tinyurl.com/5v47cn7j

I’m Your Man

nina Bea De Guzman at Kristian Timothy Bautista

Alam ko naman kung anong hinihingi ng mga ‘yan sa’kin — pruweba na mabuting tao si Cindy Villon, kasalukuyang tumatakbong alkalde ng aming bayan. Pero may isang tanong na gumagambala sa isip ko: pagkatapos ng kawalang-hiyaan nila sa’min, ano’t naisipan niyang magpakita pa sa’kin?

BASAHIN: https://tinyurl.com/r8yjjwzp

I Don’t Like Maymay

(I Don’t Like My Mind)

nina Jhuztine Josh De Jesus at Jo Maline Mamangun

Ay marahil para sa iba, iyang matam-is nga keyk na ‘yan ay simbolo ng malipayong pagdiriwang. Pero sa uugod-ugod na gaya ko, sinasalamin lang niyan ang isang bangungot. Kung anong tam-is ay siya namang pait ang dinulot sa ‘kin, kay amahan, at inahan.

BASAHIN: https://tinyurl.com/54aeywbr

Heaven

langit o paraiso; sa lupa’y wala nito

nina Chester Leangee Datoon at Jo Maline Mamangun

Mahal kong Nelia, Pilar, at Nelson: nais kong malaman ninyong ipinaglaban ko kayo sa lahat ng paraang alam ko. Walang sandaling hindi nanikluhod si Tatay sa pamahalaan upang malagot ang mga halimaw. Subalit, sa dulo’y napagtanto kong ang mandaraya at nagbabalat-kayo pala ay magkakampi; wala akong mapapala sa gobyernong hindi nagpapahalaga sa’ting mga inaapi.

BASAHIN: https://tinyurl.com/2b9mjjev

--

--

The Manila Collegian
The Manila Collegian

Written by The Manila Collegian

The Official Student Publication of the University of the Philippines Manila. Magna est veritas et prevaelebit.

No responses yet